31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Umento sa sahod ng guro at nurse hindi sapat — ACT

- Advertisement -

Hindi sapat ang pondong nakalaan para sa karagdagang sahod ng mga guro at nurse sa susunod na taon.

Ito ang binigyang diin ni Act Teachers Rep. France Castro, kasunod ng pagpapatupad ng Salary Standardization Law 5.

Ayon kay Castro, bagaman may nakalaan na P31-M para sa dagdag na sahod ng mga sibilyang empleyado ng gobyero—ay kulang pa rin ito sa kinakailangang umento sa sahod.

Aniya, ito ay dahil kahit may salary increase ang mga guro ay patuloy namang tinatapyasan ang budget ng DepEd para sa susunod na taon.

Paliwanag ni Castro, patunay lamang ito na hindi prayoridad ng pamahalaan ang edukasyon.

Matatandaang, aabot sa P673-B ang nakalaang pondo sa sektor ng edukasyon sa panukalang 2020 National budget.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -