31.9 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Umanoy may mga isiningit sa 2020 National budget pinalagan

- Advertisement -

Pinalagan ni House Appropriations Committee Chairman Isidro Ungab ang akusasyong may mga isinigit ang Kamara sa panukalang P4.1T na national budget.

Ito ay kaugnay ng paratang ni Senator Panfilo ”Ping” Lacson na mayroong pork insertion sa naturang pondo.

Ayon kay Ungab, wala silang itinago at mga isiningit sa ginawa nilang proseso sa pagpasa ng panukalang budget para sa susunod na taon.

Aniya, napakalakas ng 2020 General appropriations bill na inaprubahan ng Bicameral conference committee kung saan ang mga programa na nakapaloob sa naturang budget ay may layong magbigay ng komportableng pamumuhay sa mga Filipino.

Kaugnay nito, nilinaw rin ni Ungab na ang lahat ng pagbabagong ginawa nila sa General appropriations bill ay nakalinya sa mga prayoridad ng Pangulong Rodrigo Duterte at nakabase sa rekumendasyon ng mga cabinet departments at iba pang ahensiya ng gobyerno.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -