29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Ulat na umano’y presensya ng ISIS sa Bulacan pinabulaanan ng PNP

- Advertisement -

Pinabulaanan ng Philippine National Police ang ulat ng umano’y presensya ng terrorist group na ISIS sa lalawigan ng Bulacan.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang isang alert memo na sinasabing nagmula kay Bulacan Provincial Police Office Director Col. Chito Bersaluna na nagbibigay ng babala laban sa ISIS.

Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, wala silang natatanggap na anumang ulat o intelligence information hinggil sa presensiya ng ISIS sa Bulacan.

Dagdag ni Albayalde, kaniyang hinihintay ang opisyal na ulat mula sa Police Regional Office 3 at Bulacan Provincial Police Office.

Nanawagan naman si Albayalde sa publiko na huwag agad maniniwala sa mga nakikita sa social media at makabubuting pag-aralan munang maigi ang pinagmulan ng impormasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -