28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

UK naglabas ng travel alert sa mga mamamayan na nasa Palawan

- Advertisement -

Pinag-iingat ng pamahalaan ng United Kingdom ang kanilang mga mamamayan na kasalukuyang nasa lalawigan ng Palawan.

Ito ay matapos na ilagay sa heightened alert ang buong lalawigan dahil sa banta ng posibildad na isang kidnap for ransom group mula sa Sulu ang nakapasok sa Palawan.

Sa travel advisory ng UK, kanilang pinapayuhan ang kanilang mga mamamayan sa Palawan na maging mapagmatyag at sundin ang mga ipalalabas na abiso ng mga awtoridad.

Una nang nagpalabas ng travel advisory ang UK sa kanilang mamamayan laban sa pagbiyahe sa Western at Central Mindanao maging sa Sulu.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -