U.S gov’t planong ilikas ang lahat ng American citizen sa Diamond Princess

U.S gov’t planong ilikas ang lahat ng American citizen sa Diamond Princess

by Powered by DWIZ
77 views

Balak nang ilikas ng United States government ang mga American citizen na lulan ng Diamond Princess cruise ship na naka-quarantine at nakadaong sa Yokohama Port sa Japan.

Sa isang liham para sa mga mamamayan nila sa cruise ship, binanggit ng White House na plano nitong magpadala ng isang chartered plane sa Yokohama para sa evacuation.

Gayunman, oobligahin ang mga bakwit na sumailalim muna sa dalawang linggong quarantine sa oras na dumating na sila sa Amerika upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

0 comment

Related Posts