Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Tulong pinansyal sa ilalim ng 4ps Act madadagdagan na

Madadagdagan na ang tulong pinansyal na matatanggap ng mahihirap sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4ps Act.

Ito’y matapos maisabatas at lagdaan ang Implementing Rules and Regulations nito.

Sa ilalim ng bagong batas, makatatanggap na ang isang sambahayan ng buwanang health grant na 750 pesos mula sa dating 500 pesos.

Ang education grant naman ng anak na nasa senior high school ay magiging 700 pesos na kada buwan mula sa dating 500 pesos.

Magiging 300 pesos na rin ang dating 200 pesos kada buwan na unconditional cash grant sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act.

Mayroon na ring 600 pesos kada buwan na rice subsidy bilang cash grant.

Batay sa IRR, magkakaroon ng tatlong buwang transition period bago tuluyang maipatupad ang batas sa April 2020.

Related posts

Palasyo dumistansya sa pahayag ni JPE kaugnay sa martial law ni dating Pangulong Marcos

Powered by DWIZ

COVID-19 case bulletin ng DOH mahuhuli ng ilang oras ngayong araw

Powered by DWIZ

Paghihigpit sa pagpasok ng mga foreign workers sa bansa suportado ng ALU-TUCP

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More