Trillanes nasa labas ng bansa

Trillanes nasa labas ng bansa

by Powered by DWIZ
34 views

Nasa labas ng bansa at nakatakdang magpiyansa sa susunod na linggo si dating Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ay matapos na maglabas ng arrest warrant ang Quezon City Metropolitan Trial Court laban kay Trillanes at 9 iba pa dahil sa kasong conspiracy to commit sedition kaugnay ng serye ng video na tinaguriang “Ang Totoong Narcolist,” kung saan ini-ugnay ang pamilya ni Pang. Rodrigo Duterte sa transaksyon ng illegal na droga.

Sa isang pahayag, sinabi ni Trillanes na babalik siya sa Pilipinas sa susunod na linggo para harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Kabilang sa mga pinaaaresto ng QC MTC branch 138 sina Peter Joemel Advincula alyas Bikoy, dating Police Supt. Eduado Acierto, Joel Saracho, Boom Enriquez, Yolanda Ong, Vicente Romano III, Father Flaviano Villanueva, at Jomel Sanggalang.

Itinakda ng Korte ang piyansang P10,000 para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Gayunman, tanging sina Father Flaviano at Alejo lamang ang nakapagpiyansa sa Korte kahapon.

Sinabi naman ni Advincula na wala siyang natanggap na arrest warrant mula sa Korte kaugnay ng kasong kinakaharap.

Samantala, tiniyak naman ni Phil. National Police Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na handa ang pulisya na arestuhin ang mga nabanggit na akusado.

Sa ilalim ng batas posibleng maharap sa apat hanggang anim na taong pagkakakulong ang mga akusado dahil sa kasong kanilang kinahaharap.

0 comment

Related Posts