29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Trillanes naghain ng not guilty plea sa libel cases sa Davao RTC

- Advertisement -

Personal na dumalo si Senador Antonio Trillanes IV sa itinakdang arraignment ngayong umaga sa Davao City.

Kaugnay ito sa mga kasong libelo na isinampa laban kay Trillanes nina dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at presidential son in law Atty. Manases Carpio, asawa ni Mayor Inday Sara Duterte.

Nagpasok ng not guilty plea ang senador kasabay ng pagtitiyak na haharapin ang kaso.

“Umiikot ang mundo. Ako, tinatanggap ko lang yung hamon na binibigay nila sakin. Darating ang panahon na sila rin yung tatanggap ng mga hamon. They should be ready also.” Pahayag ni Trillanes

Aniya boluntaryo siyang dumalo sa arraignment bilang pagkilala sa hurisdiksyon at kapangyarihan ng korte.

Magugunitang noong isang taon naglabas ng apat na arrest warrant si Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang laban sa senador.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -