Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Travel ban sa Taiwan inalis na ng pamahalaan

Maaari nang muling makabyahe patungong Taiwan at pabalik ng Pilipinas.

Ito’y matapos alisin ng pamahalaan ang travel ban sa Taiwan ngayong Biyernes, Pebrero 14.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang desisyon ay ibinase sa naging pasya ng Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Mayroon naman kasi sila aniyang pinatutupad na strict measures at protocols para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Bukod dito, sinabi rin ni Panelo na muling susuriin ng IATF kung posible rin ang pag tanggal ng travel ban sa iba pang mga bansa kabilang ang Macau.

Matatandaang hindi ikinatuwa ng Taiwanese government ang naging hakbang ng Pilipinas sa pagpapatupad ng travel ban dito dahil sa banta ng COVID-19.

Giit ng Malacañang, ang pagpatupad sa travel ban ay para sa kaligtasan ng mga Pilipino at hindi dahil sa anumang usaping politikal.

Related posts

Death toll ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 200,000 na

Powered by DWIZ

LGU’s panatilihin ang kaligtasan sa mga nasasakupan —DILG

Powered by DWIZ

Military Units sa western Mindanao inilagay sa Full Alerts Status

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More