Travel ban sa Taiwan binawi na

Travel ban sa Taiwan binawi na

by Powered by DWIZ
52 views

Binawi na ng pamahalaan ang travel ban sa Taiwan.

Ito mismo ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos na isama ng pamahalaan ang taiwan sa umiiral na travel ban dahil sa panganib ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Panelo, batay sa naging pagpupulong ng inter-agency task force for the management of infectious disease (IATF), napagdesisyunan na tanggalin na lamang ang pinaiiral na travel ban sa Taiwan, dahil sa mahigpit na kampanya ng naturang bansa para labanan ang COVID-19.

Una rito, ibinabala ng Taiwan na gaganti sila sa Pilipinas kung hindi nito tatanggalin ang travel ban dahil ‘tila anilang pulitika hindi usaping pang-kalusugan ang dahilan kung kaya’t ipinatupad ito ng pamahalaan.

Kabilang sa posibleng maging ganti ng Taiwan sa Pilipinas ay ang pag-tanggal ng visa-free entry para sa mga Filipino at ang hindi pag-eextend sa kontrata ng mga manggagawang Filipino doon.

Samantala, sinabi naman ni Panelo na pinag-aaralan na rin ngayon ng IATF ang pag-bawi ng travel ban sa Macau kung sapat ang kanilang safety protocols para labanan ang COVID-19.

Sa ngayon, umiiral pa rin ang travel ban sa China at special administrative regions nito na Hong Kong at Macau.

0 comment

Related Posts