30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Travel ban sa ilang bansa na may local transmission ng COVID-19 posibleng ipatupad

- Advertisement -

Posibleng i-rekumenda ng Department of Health (DOH) ang pagpapatupad ng travel ban sa mga bansang may naitalang local transmission ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Health Assistant Sec. Maria Rosario Vergeire, ito ay upang matiyak na hindi na kakalat pa sa anumang panig ng bansa ang virus.

Aniya, pinag-aaralan pa kasi ngayon ng inter-agency task force on emerging infectious disease ang sitwasyon ng COVID-19 sa ibang bansa partikular na ang mga lugar kung saan mayroon ng local transmission ng COVID-19.

Sinabi nito na kabilang sa mga aspetong tinitingnan ng naturang task force ay ang bilang ng positibo, at PUI sa ibang bansa, pati na rin ang dami ng pasaherong bumibiyahe sa mula sa ibang bansa na pumapasok sa Pilipinas.

Paliwanag ni Vergeire, nais kasi ng task force na pag-aralan kada araw ang ipinatutupad na travel ban kung saan pwede itong bawiin at maaring may idagdag para lalong matiyak ang kapakanan ng publiko.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -