30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Traditional Chinese medicine bilang panlunas sa COVID-19 pinag-aaralan na

- Advertisement -

Pinag-aaralan na ng mga eksperto ang tradisyonal na gamot ng mga Chinese na posibleng panlunas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health secretary Francisco Duque III, tatlo sa 12 miyembro ng Chinese medical team na dumating sa bansa noong linggo ay pawang may espesyalisyon sa tradisyunal na gamot sa China, habang apat naman dito ay dalubhasa sa critical care medicine.

Aniya, malaking tulong ito upang matugunan ang mga pangangailangan ng malubha at kritikal na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, umaasa naman si Duque na maganda ang maibabahagi ng mga eksperto mula sa China dahil na rin sa kanilang naging karanasan sa paglaban ng COVID-19 sa kanilang bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -