Tourism sector sa PH apektado sa nCoV —BI

0
17

Aminado ang Bureau of Immigration (BI) na apektado na ang sektor ng turismo dahil sa 2019 novel coronavirus (nCoV) scare.

Batay sa datos na inilabas ng BI, halos 2-milyong Chinese nationals ang bumisita sa bansa mula 2019, ngunit nabawasan ito bunsod na rin ng ipinatutupad na travel restriction ng gobyerno ng China sa loob ng kanilang bansa.

Samantala, naghahanda na naman ang Philippine Travel Agencies Association sa posibleng epekto ng nCoV sa turismo sa Pilipinas.