32 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Totoong estado ng isinasagawang mass testing sa COVID-19 ng pamahalaan nais paimbestigahan

- Advertisement -

Nais ni Senator Leila De Lima na paimbestigahan ang totoong estado ng isinasagawang mass testing ng pamahalaan para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ilalim ng senate resolution number 425, pinaiimbestigahan ni De Lima sa senado ang isinasagawang mass testing ng bansa.

Ayon kay De Lima, bukod kasi sa quarantines at lockdowns ay napatunayan nang epektibo ang mass testing upang malabanan ang COVID-19.

Aniya ang kawalan ng mass testing ng bansa ang isa sa dahilan kaya’t patuloy na tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Una rito, matatandaang iginiit ng Department of Health (DOH) na kasalukuyan na silang nagsasagawa ng expanded targeted testing.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -