30 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Tatlong bagong kaso ng 2019-nCoV ARD sa Japan kinumpirma

- Advertisement -

Kinumpirma ng Japan na nadagdagan ng tatlo ang bilang ng nagpositibo sa 2019 novel coronavirus sa kanilang bansa.

Ayon sa health ministry ng Japan, ang tatlong nagpositibo ay pawang mga inilikas mula sa Wuhan City sa china.

Nilinaw rin ng ministry na isa sa tatlong pasyente ay nakitaan ng sintomas gaya ng lagnat at ubo ngunit sa unang pagsusuri ay lumabas na negatibo ito sa naturang virus.

Gayunman, nang nakitaan ito ng sintomas ng pneumonia ay muli itong isinailalim sa panibagong pagsusuri at itoy nagpositibo na sa nCoV.

Samantala, may kabuuan nang 20 ang kaso ng nCoV sa Japan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -