36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Suspensyon sa Lotto operasyon binawi na ni Pangulong Duterte

- Advertisement -

Maaari nang magbalik operasyon ang mga Franchise Holder at Operators ng mga Lotto Outlet.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, matapos aniyang tanggalin na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon sa operasyon ng Lotto.

Ayon kay Panelo, epektibo agad ang nasabing kautusan ni Pangulong Duterte, batay aniya sa ipinaabot na abiso sa kanya ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Gayunman, mananatili pa rin aniyang suspendido ang prangkisa, lisensiya o permit ng mga iba pang Gaming Scheme sa ilalim ng PCSO tulad ng Stl o Small Town Lottery, Keno at Peryahan Bayan.

Paliwanag ni Panelo, pag-aaralan pa ni Pangulong Duterte ang resulta ng imbestigasyon sa sinasabing mga iligal na aktibidad at kurapsyon sa mga nabanggit na Gaming Schemes.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -