31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Suspension Order mula sa opisina ni Gobernador Migs Villafuerte

- Advertisement -

Suspension Order mula sa opisina ni Gobernador Migs Villafuerte, maluwag na tinanggap ni Mayor Tomas Bongalonta ng Pili, Camarines sur, suporta sa alkalde bumuhos; Kapitolyo ng Camsur nanindigang tama ang desisyon

Maluwag na tinanggap ngayong araw ni Mayor Tom Bongalonta Jr ang suspension order ng Kapitolyo Provincial partikular mula sa tanggapan ni Gobernador Migs Villafuerte matapos na maipasa nitong nakaraang Miyerkules sa Sangguniang Panlalawigan ang isang Resolusyon na nagrerekumendang patawan nang preventive suspension ang naturang Alkalde nang 60 araw.

Nag-ugat ang naturang suspensyon nang maghain nang kaso sa Sangguniang Panlalawigan si Eileen Ceron, dating Budget Officer hinggil sa hindi pagkakaroon ng concurrency ng Sangguniang Bayan sa Municipal Admistrador noon na si Engineer Rex Resuena subalit patuloypa umanong nagsisilbi sa naturang posisyon tumatanggap ng sahod

Nasa labing-anim na buwan ang ginawang pagdinig dito ng Committee on Administrative Cases na pinamumunuan ni Board Member Angel Naval, na kung saan naghain naman ng mga ebidensya ang tanggapan ni Mayor Tom Bongalonta Jr na nagbibigay sana ng grounds para i-dismiss ang naturang kaso subalit ang kinalabasan ay nagkaroon pa rin nang rekomendasyon ang SP CamSur na suspendehin si Mayor Bongalonta.

Kaninang Umaga (Pebrero 15, 2021) bumuhos ang suporta kay Mayor Bongalonta ng mga taga-Pili, ang iba ay hindi napigilang umiyak at yakapin ang naturang Alkalde.

Naganap din na muli sa ikalawang pagkakataon ang “Pakalbo kontra Abuso at Kurapsyon kang Kapitolyo” ayon kay Mayor Bongalonta, ang pagpapakalbo nila ay simbolo at pagpapakita umano ito sa publiko na dapat na umanong matuldukan ang sinasabing umano’y kurapsyon sa kapitolyo.

Maging si dating Vice Governor Ato Peña ay nagpakalbo upang maipakita ang suporta kay Mayor Bongalonta.

Dumalo din sa naturang pagtitipon si Iriga City Mayor Madelaine Yorobe Alfelor upang ipakita ang suporta kay Mayor Bongalonta at sa mga taga-Pili, kung saan sinabi nito na dapat nang magkaroon ng panibagong liderato sa Camarines Sur.

Sa kabilang dako tama lamang an pagsuspinde ngayon ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Sur si Pili Mayor Tom Bongalonta dahil sa paglabag nito sa batas ukol sa pag hihirang nito sa hindi kwalipikadong Municipal Administrator ng kanyang munisipyo

Sa kabila ng hindi pag apruba ng Civil Service Commission (CSC) at hindi pagsang-ayon ng Sangguniang Bayan ng Pili kay Engr. Rex Resuena na maging Municipal Administrator ng LGU ay tahasan pa din itong pinaupo ni Mayor Bongalonta na maging administator ng munisipyo. Kahit hindi pinayagan ng CSC si Resuena sa posisyon ay patuloy pa din ito sa pag lagda ng communications at office orders, namumuno pa din ito sa mga pagpupulong at sumasahod bilang isang administrator.

Dahil sa katigasan ng ulo at pagiging abusado ni Mayor Bongalonta ay naghain na ng suspension order sa kanya ang Sangguniang Panlalawigan dahil sa hindi nito pagsunod sa batas. Kahit na inabisuhan na siya ng CSC at Sangguniang Panlalawigan na mali ang kanyang ginagawa ay ipinagpatuloy pa din ito ni Mayor Bongalonta.

Patunay lamang ito na hindi marunong sumunod sa mga batas at ordinansa si Mayor Bongalonta. Matatandaan na siya rin ang pasimunong kumontra sa Pili Airport upgrading at expansion na flagship project sa ilalim ng Build, Build, Build Program ni Pangulong Rodrigo Duterte. Hinaharang ni Mayor Bongalonta ang proyekto dahil marami siyang pagmamay-aring lupa na masasagasaan ng expansion.

(Source: Provincial Office of Camarines Sur)

 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -