28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Suspek sa pagpatay kay Ombudsman Special Assistant Prosecutor Madonna Joy Tanyag patay makaraang mang – agaw ng baril

- Advertisement -

Kinumpirma ng QCPD o Quezon City Police District ang pagkamatay ni Angelito Avenido Jr, ang itinuturong suspek sa pagpatay kay asst/special prosecutor mula sa Office of the Ombudsman na si Atty. Madonna Joy Tanyag.

Ito’y ayon kay QCPD Director C/Supt. Joselito Esquivel ay makaraang mang-agaw umano ng baril si Avenido habang nakapiit sa loob mismo ng Kampo Caringal sa Quezon City.

Ayon kay Esquivel, ililipat sana sa Quezon City Jail si Avenido kaya ito isinalang sa booking procedure pero napag-alamang hindi pala na kaposas si Avenido kaya’t nagawa nitong mang-agaw ng baril habang kinukuha ang fingerprint at nakatakda sanang kunan ng mug shot.

Nagawa pang isugod sa East Avenue Medical Center si Avenido na ayon sa mga staff ng ospital ay nagtamo ng tama ng bala sa pagitan ng leeg at baba kaya hindi na ito umabot pa ng buhay at idineklara iyong dead on arrival.

Magugunitang naaresto ng mga operatiba ng QCPD si Avenido na isang barker ng dyip noong Hunyo5 ilang oras matapos mangyari ang pagpatay kay Tanyag.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -