29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Suspect Sa Pamamaril Patay Sa Chief Security Officer Ng Camarines Sur, Huli

- Advertisement -

Iriga City, sa tulong ng CCTV agad na natukoy ng Naga-PNP ang suspect sa pamamaril patay sa hefe ng civil security unit ng Camarines Sur kagabi.

Sa ulat na pinalabas ni PMaj. Ariel Blanco, station 3 commander kanyang sinabi na ang suspect ay siyang tumutugma sa kuha ng CCTV sa lugar ng insidente kung saan binaril si Jojo Musa, chief security ng kapitolyo at dating jail warden ng BJMP.

Magugunita na habang nakaupo an biktima sa labas ng kanilang bahay ng itoy lapitan at pagbabarilin ng suspect na kinilalang si Elmer Nelmida, 58 anyos at dating sundalo.

Tatlong tama ng bala mula sac al. 45 ang kumitil sa buhay ng biktima dalawang oras matapos siyang barilin sa Deca Homes subdivision ganap na alas 8:10 ng gabi.

Wala pang pinapalabas na ulat ang PNP kung ano ang motibo sa nabanggit na krimen habang patuloy pa ang ginagawang inbestigasyon.

M. Barayoga

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -