33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Supply ng bigas sa mga lugar na apektado ng malakas na ulan sapat

- Advertisement -

Tiniyak ng National Food Authority o NFA na sapat ang supply ng bigas sa mga rehiyong naapektuhan ng malakas na ulan dulot ng bagyo at habagat.

Ayon kay NFA Administrator Jason Aquino, may mga naka-imbak nang bigas sa mga lalawigan lalo na sa mga lugar na madalas tinatamaan ng bagyo, pagbaha at landslides.

Sinabi ni Aquino na walang dapat na ikabahala ang mga residente lalo’t patuloy aniyang pinagsusumikapan ng NFA na makapaghatid ng abot-kayang bigas.

Sa katunayan, inihayag ni Aquino na mayroon nang bigas na dumating galing Vietnam at Thailand ngunit na-delay lamang ang mga pamamahagi nito sa mga rehiyon dahil sa sama ng panahon.

—-

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -