35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Suplay ng kuryente sa bansa apektado narin ng mababang lebel ng tubig sa mga dam

- Advertisement -

Naapektuhan na ng suplay ng kuryente sa bansa ng mababang lebel ng tubig sa mga dam.

Ayon kay Edgardo Masongsong, administrator ng National Electrification Administration (NEA), nahihirapan ng lumikha ng kuryente ang ilang hydro power plant na pinapagana ng mga dam at ilog.

Dahil dito, nananawagan ang NEA sa mga electric cooperative na magtayo na ng iba pang mapagkukunan ng kuryente.

Gayunman hindi pa makumpirma ng NEA kung posible ang pahayag ng Department of Energy (DOE) na walang mangyayaring rotational brown out sa panahon ng tag-init.

Kung magugunita, nauna nang ibinabala ng NEA ang pagkakaroon ng rotational brown out sa mga buwan ng Marso hanggang Hunyo dahil sa pagnipis ng suplay ng kuryente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -