Sundalong Amerikano na nakakulong sa Camp Aguinaldo idiretso sa BuCor — Roque

Sundalong Amerikano na nakakulong sa Camp Aguinaldo idiretso sa BuCor — Roque

by Powered by DWIZ
49 views

Dapat idiretso na sa bilibid ang sundalong Amerika na nakakulong ngayon sa Camp Aguinaldo sa sandaling mawalang bisa na ang Visiting Forces Agreement (VFA).

Pahayag ito ni Atty. Harry Roque, dating abogado ng pamilya ni Jennifer Laude, ang transgender na napatay ni Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Bagamat naipadala na sa US embassy ang notice of termination para sa VFA, mga anim na buwan pa ang hihintayin bago ito tuluyang mawalan ng bisa.

Nakikiusap ako sa BuCor at buong sandatahan bantayan niyo yan si Pemberton, ang aking freelance prediction itatakas yan ng mga Amerikano,” ani Roque.

0 comment

Related Posts