33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Sumadsad na Cargo Vessel sa Cebu sinaklolohan ng Phil.Coast Guard

- Advertisement -

Ipinadalang PCG o Philippine Coast Guard ang kanilang Environmental Protection Unit, Safety Inspector, Rescue Personnel at Medical Team sa Talisay Cebu matapos mapaulat ang pagsadsad ng isang dayuhang Cargo Vessel sa lugar.

Batay sa impormasyon mula sa PCG – Cebu, sumadsad sa mababaw na bahagi ng karagatang malapit sa Lauis Ledge Light House ang MV arikun na may sakay na 18 tripulante.

Lulan din nito ang mahigit 4 na libong Tonelada ng Trigo at mayroong mahigit 200 daan at 80 libong litro ng krudo.

Patungo sanang Cebu International Port ang nasabing barko bago ito sumadsad.

Ayon kay Coast Guard District Central Visayas Commander, Commodore Ronie Gil Gavan, wala pa silang nakikitang tumagas na krudo mula sa sumadsad na Cargo Vessel habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -