- Advertisement -
Hindi umano aabutin ng isang oras ang speech ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address sa Hulyo a-23.
Ayon kay Presidential Spokeman Harry Roque, babasahin ni Pangulong Duterte ang inihandang speech para sa kanya na hindi lalampas ng 35 Minuto.
Magmumula anya sa puso ang ikatlong SONA ng punong ehekutibo.
Magugunitang inabot ng isa’t kalahating oras ang inabot ng unang sona ni pangulong duterte noong hulyo 2016 at dalawang oras naman sa ikalawang sona noong hulyo nang isang taon.
- Advertisement -