Radio Philippines Network
National News

Skye Bar ipinasara ng Makati LGU

Ipinasara ni Makati City Mayor Abby Binay ang Skye Bar sa Barangay Bel-Air matapos na maaresto ang mahigit 100 customers nito dahil sa pagpaparty, na malinaw na paglabag sa basic safety protocols.

Ayon sa tagapagsalita ng lokal na pamahalaang lungsod na si Atty Michael Caminia, ilegal ang operasyon ng naturang establisyimento.

Dahil dito, kanila na ring itong sinampahan ng kasong paglabas sa Executive Order No. 11 sa Makati Revenue Code, R.A. 11332 at iba pang guidelines na nakapailalim sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Samantala, pinapaalala naman ng lokal na pamahalaang lungsod ng Makati na hindi pa rin maaaring magbalik-operasyon ang mga bar alinsunod sa kautusan ng IATF.

Related posts

5 katao hinihinalang inambush sa Cebu

Powered by DWIZ

Relasyon ng Pinas, US ‘maligamgam’ — Panelo

Powered by DWIZ

NBP napuno ng mga sumukong convicts na napalaya sa bisa ng GCTA

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More