30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Sinasabing utak sa nangyaring jailbreak sa Bacoor City Jail, patay matapos manlaban umano sa mga awtoridad

- Advertisement -

Patay ang itinuturong utak ng jail break sa Bacoor City Custodial Center noong Hulyo matapos umano manlaban.

Ayon kay Bacoor Police Chief; Supt. Vicente Cabatingan, kanila sanang aarestuhin ang takas na si Michael Salac pero pinaputukan nito ang mga pulis.

Nauwi aniya ito sa engkwentro na nagresulta naman sa pagkamatay ni Salac.

Si Salac ay natunton matapos makatanggap ng impormasyon ang Bacoor Police na madalas itong nagpupunta sa kapatid na nakatira sa Mary Homes Subdivision sa Bacoor City.

Magugunitang Hulyo 27 nang makatakas ang 23 detainee ng Bacoor City Custodial Center kung saan meron pang anim na patuloy na tinutugis.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -