SGMA pinawalang sala sa kasong electoral sabotage

0
102

Pinawalang-sala na ng Pasay Regional Trial Court Branch 112 si House Speaker Gloria-Macapagal Arroyo sa kasong electoral sabotage.

Batay sa desisyon ni Judge Jesus Mupas, pinaburan nito ang demurrer of evidence na inihain ni Arroyo.

Ito ay matapos mabigo ang prosekusyon na patunayan na “guilty” si Arroyo sa kabila ng mahabang panahon na ibinigay sa kanila ng korte.

Hindi rin napatunayan ng prosekusyon na nagkaroon ng conspiracy sa panig ni Arroyo kaugnay na rin ng electoral sabotage case.

Bukod dito, ipinag-utos rin ng korte na ibalik kay Arroyo ang inilagak nitong isang milyong pisong cash bond para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Matatandaang, isinampa ang kaso laban kay Arroyo noong taong 2007 kaugnay ng umano’y pandaraya nito sa 2007 midterm election.