Serbisyo ng mga medical graduates maaring kunin — IATF

0
19

Maaari nang kunin ng pamahalaan ang serbisyo ng mga medical graduates para makatulong sa paglaban sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ay ayon kay IATF Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, matapos na aprubahan na ng task force ang inihandang guidelines ng Department of Health (DOH) para sa pagkuha ng mga medical graduates kahit wala pang mga lisensiya.

Gayunman, ipalalabas lamang ang nabanggit na special authorization bilang last resort o pinakahuling hakbang.

Dagdag ni Nograles, epektibo lamang din ito sa panahon ng pag-iral ng state of public health emergency sa bansa.

Magugunitang hinimok noon ni Senador Francis Tolentino ang DOH at professional regulation commission na i-waived na muna ang licensure exam at payagang makapag-practice ang mga medical graduates para makatulong sa paglaban ng bansa  sa COVID-19.