28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Senior Associate Justice Carpio nagpaalam na sa mga empleyado ng Korte Suprema

- Advertisement -

Nagpaalam na si Senior Associate Justice Antonio Carpio sa mga empleyado ng Korte Suprema sa kanyang huling flag raising ceremony kahapon.

Pinasalamatan ni Carpio ang lahat ng mga tao sa Kataas Taasang Hukuman na walang ginawa kundi sumuporta sa kaniya.

Una na dito ay nagpaalam na rin si acting Chief Justice Lucas Bersamin.

Nakatakdang magretiro si Carpio sa Sabado samantalang si CJ Bersamin naman ay noong Linggo.

Nauna nang magretiro sa kanyang posisiyon si Associate Justice Francis Jardeleza noong nakaraang buwan.

Samantala, inaasahang mga mahistrado mula Court of Appeals at Sandigan Bayan ang papalit sa pwesto ng 2 Associate Justices.

13 mahistrado ang nasa shortlist para sa pwesto ni Jardeleza at 9 naman para kay Carpio.

3 naman ang naglalaban laban para pumalit kay CJ Bersamin bilang punong mahistrado.

Ito ay sina Associate Justice Diosdado Peralta, Associate Justice Estela Perlas-Bernabe at Associate Justice Andres Reyes Jr.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -