28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Senado nagsasagawa ng pagdinig ukol sa kalidad ng edukasyon sa bansa

- Advertisement -

Nagsasagawa ngayon ang Senado ng pagdinig kaugnay sa sistema at kalidad ng edukasyon sa bansa.

Ito ay matapos na lumabas ang nakakabahalang bagsak na resulta sa Programme for International Student Assessment (PISA) noong taong 2018.

Magugunitang, sa 79 na bansang nakilahok sa naturang pag-aaral ay Pilipinas ang pinakamababang marka sa pagbasa o reading comprehension at pumangalawa rin ang bansa sa pinakamababang marka pagdating naman sa science at mathematics.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, na siyang namumuno sa Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, layon ng isinasagawang pagdinig na maisulong sa Department of Education (DepEd) ang mga hakbangin upang maiangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -