Senado malabo na sa pagtalakay ng charter change

0
46

Malabo na ang tiyansa na matalakay pa ng Senado ang mga panukala hinggil sa pag-amyenda sa saligang batas.

Paliwanag ni Senate President Vicente Sotto III, kasisimula pa lamang ng deliberasyon ng 2019 national budget na susundan naman ng kampanya sa Pebrero, dahilan para malabo ng matalakay ang panukalang cha-cha o charter change.

Matatandaang lusot na sa ikalawang pagbasa ang Resolution No. 15 na naglalayong mapagtipon ang dalawang kapulungan bilang constituent assembly para baguhin ang 1987 Constitution.

Magiging daan ito upang maaprubahan ang isinusulong na systema ng federalismo sa gobyerno na inaasahang maaprubahan ng kamara sa susunod na linggo.

(written by: Kimberlie Montano)