Radio Philippines Network
National News

Senado iimbestigahan ang kontrata ng dalawang water concessionaires

Malaki ang tsansa na imbestigahan ng Senado ang kontrata ng dalawang water concessionaires sa pamahalaan.

Ito ay kaugnay ng naging babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Maynilad at Manila Water na pakakasuhan niya ito ng economic sabotage.

Ayon kay Senator Francis Tolenino, malaki ang posibilidad na magkasa sila ng senate inquiry hinggil sa kuwestiyunableng kontrata ng mga ito sa pamahalaan.

Una rito, ikina-irita ni Pang. Duterte ang desisyon ng permanent court of arbitration na naka-base sa Singapore kung saan pinagbabayad nito ang pamahalaan ng mahigit sa P3-B sa Maynilad, at P7-B naman sa Manila Water.

Kasabay nito, sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nanganganib na matalo ang pamahalaan dahil ipinagbabawal aniya sa 1997 concession agreement na maki-alam ang pamahalaan sa pagtatakda ng singil sa tubig at maaring pag-multahin ang pamahalaan sakaling mamagitan ito sa pagtatakda ng singil sa tubig.

Related posts

DOF nilinaw na hindi interesado sa dagdag buwis sa mga ‘salty products’

Powered by DWIZ

Panibagong kaso kaugnay ng dengvaxia inihain sa DOJ

Powered by DWIZ

Pagbebenta ng tingi sa Balintawak market, pansamantalang ipatitigil

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More