Senado aaralin ang 29 deals na nilagdaan ng PH at China

0
53

Nakatakdang repasuhin ng Senado ang mga kasunduang nilagdaan ng Pilipinas at China sa pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa bansa.

Kabilang sa 29 na kasunduang ito ang memorandum of understanding (MOU) kaugnay sa joint oil and gas exploration deal.

Kasunod na rin ito nang pakikipag pulong ng mga lider ng Senado at Kamara sa pangulo ng China.

Nakatakdang maghain ng resolusyon si Senate President Pro-tempore Ralph Recto para magkaruon ng legislative review sa mga naturang kasunduan at matiyak na hindi maku kumpromiso ang soberanya ng bansa at hindi magdudulot ng anumang utang sa China.

Una nang tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ilalabas sa tamang panahon ang mga detalye ng mga naturang kasunduang pinasok ng Pilipinas sa China.