- Advertisement -
Kasado na ang ilalatag na seguridad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagsisimula ng simbang gabi sa Disyembre 16 ng madaling araw.
Ayon kay NCRPO Dir. Debold Sinas, ipinauubaya na lamang niya sa mga local police stations para sa mas mahigpit na seguridad sa iba’t-ibang mga simbahan.
Aniya, inatasan na rin niya ang mga pulis na patuloy na makipag ugnayan sa mga alkalde para sa mga kakailanganing security adjustments.
Giit pa nito, bagaman wala silang namominitor na banta sa seguridad, ay mahigpit pa rin nilang babantayan ang mga simbahang dinaragsa ng mga mananampalataya gaya ng Manila Cathedral, simbahan ng Quiapo, at Baclaran church.
- Advertisement -