Radio Philippines Network
National News

School enrollment pinalawig pa hanggang July 15

Pinalawig pa ng Malacañang hanggang sa ika-15 ng Hulyo ang enrollment na dapat sana’y magtatapos kahapon.

Gayuman, apela naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga magulang, huwag nang antayin ang ika-15 ng Hulyo bago i-enroll ang kanilang mga anak.

Aniya, hindi dapat hayaan ng mga magulang ma matigil sa pag-aaral ang kanilang mga anak sa kabila ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Inamin naman ni Roque na naging matumal ang enrollment sa pagbubukas ng klase ngayong taon lalo na sa mga pribadong eskwelahan.

Batay naman sa pagtaya ng Department of Education (DepEd), tinatayang nasa 15,220,325 na ang mga nakapag-enroll sa mga pampublikong paaralan sa bansa habang 672,403 naman sa mga private schools.

Related posts

10,000 Pilipino sa Singapore nakaboto na para sa midterm elections

Powered by DWIZ

NWRB: Sapat ang tubig sa Angat Dam sa kabila nang pagtaas ng konsumo sa gitna ng ECQ

Powered by DWIZ

Senado sisikapin maipasa ang sin tax reform bill

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More