30 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Sapat na pondo ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 pandemic tiniyak

- Advertisement -

Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na sapat ang pondo ng pamahalaan sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, sa ngayon ay nasa P374.8-bilyon na ang pondo na kanilang nailabas para matugunan ang pandemya sa bansa, alinsunod na rin sa Bayanihan to Heal as One act.

Binanggit din ni Avisado na maganda ang credit ratings ng Pilipinas dahil sa ginagawang polisiya ng administrasyong Duterte kung kaya’t nagtitiwala ang ibang bansa na magpautang sa Pilipinas.

Naniniwala rin ito na mabilis makakarekober ang ekonomiya ng Pilipinas dahil malakas umano ang fundamentals ng bansa bago pa man tumama ang COVID-19 pandemic.

Samantala, umaasa naman ang economic development cluster ng kasalukuyang administration na makakarekober sa 8% hanggang 9% ang gross domestic product (GDP) sa mga darating na taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -