Sam Milby ibinunyag ang relasyon nila ni Catriona Gray

Sam Milby ibinunyag ang relasyon nila ni Catriona Gray

by Powered by DWIZ
28 views

Ibinunyag na ni Sam Milby sa publiko ang tunay na estado ng relasyon nila ni 2018 Miss Universe winner Catriona Gray.

Sa Instagram, nag-post si Milby ng larawan habang kasama niya si Gray.

Ipinahiwatig din ni Milby na ipinagdiwang niya ang pinaka-espesyal na kaarawan na kapiling niya ang beauty queen.

Matatandaang noong nakaraang taon pa lumabas ang alingangas tungkol sa kanilang relasyon pero kapwa nila ito itinanggi.

Noong Enero naman ng taong ito, binanggit ni Gray na iisa lang ang talent agency nila ni Milby at inamin din nitong madalas silang magsimba na magkasama.

0 comment

Related Posts