- Advertisement -
Tinanghal bilang word of the year ang salitang “they”.
Ayon sa Merriam- Webster, hinanap ito naturang pronoun ng 313 percent higit noong 2018.
Noong Setyembre, idinagdag ang non – binary pronoun na ‘they’ sa naturang dictionary kung saan ginagamit ito sa isang tao na ang kasarian ay isang non – binary o hindi matukoy kung saang kasarian ang kanyang kinabibilangan.
Una nang ginamit ni Congresswoman Pramila Jayapal noong Abril ang salitang ‘they’ noong tukuyin ang kanyang anak na gender – nonconforming.
Habang noong Setyembre sinabi ni British Singer – Songwriter na si Sam Smith na mas nais siyang patungkulan siya bilang ‘they’.
- Advertisement -