28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Salceda tiwalang magiging matagumpay ang pagho-host ng Pinas sa SEA Games

- Advertisement -

Tiwala si Cong. Joey Salceda na kabuuang magiging matagumpay ang pagho-host ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Ito sa kabila ng mga isyu at reklamo ibinabato ng mga atleta at delegadong kalahok sa nasabing palaro.

Ayon kay Salceda, metikoloso at masipag si House Speaker Alan Peter Cayetano na siyang pinuno ng SEA Games organizing committee kaya’t kumpiyansa siya na magiging maayos ang SEA Games.

Aniya, kakainin ng mga kritiko ang kanilang mga sinasabi dahil magiging matiwasay ang prestihiyosong palaro.

Dagdag pa ni Salceda, isang malaking karangalan ang hosting ng Pilipinas sa SEA Games kaya’t pinahandaan aniya ito ng pamahalaan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -