Sagupaan nina Deontay Wilder, Tyson Fury binasag ang gate record sa kanilang laban sa Las Vegas

Sagupaan nina Deontay Wilder, Tyson Fury binasag ang gate record sa kanilang laban sa Las Vegas

by Powered by DWIZ
46 views

Binasag ng laban nina Deontay Wilder at Tyson Fury ang gate record sa heavyweight fight sa Las Vegas.

Kasunod na rin ito nang pag abot sa 16, 816, 440 US dollars ng ticket sales sa halos 16,000 crowd capacity ng MGM Grand.

Nahigitan nito ang heavyweight fight sa Nevada nina Lennox Lewis at Evander Holyfield na mayroong mahigit $16-M kung saan panalo si Lewis sa pamamagitan ng unanimous decision.

Magugunitang pinatumba ng tatlong beses ni Fury si Wilder sa ikatlo at ikalimang round para makuha ang WBC World Heavyweight Title.

Nangunguna pa rin ang laban nina Floyd Mayweather at Manny Pacquiao sa may pinakaraming ticket sales na aabot sa mahigit $72-M na sinundan ng laban ni Mayweather kay Conor Mcgregor na nasa mahigit $55-M ang kinita.

0 comment

Related Posts