Ruby Rodriguez patuloy na nagpapagaling sa ospital dahil sa iniinda nitong abdominal pain

Ruby Rodriguez patuloy na nagpapagaling sa ospital dahil sa iniinda nitong abdominal pain

by Powered by DWIZ
30 views

Patuloy na nagpapagaling sa isang pagamutan sa Maynila ang TV personality na si Ruby Rodriguez dahil sa iniinda nitong abdominal pain.

Ayon sa kanyang anak na si Toni Aquino, ikinalulungkot nito na hindi man lang niya mabisita ang ina, lalo na sa oras na may iniinda itong sakit.

Nauna rito, nag-post ang aktres sa kanyang Instragram account nang isugod ito kahapon sa Manila Doctors Hospital.

Samantala, siniguro naman ni Ruby Rodriguez na nasa maayos siyang kalagayan at umaasang agad na gagaling sa sakit.

0 comment

Related Posts