30.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Rodriguez umapela na irekonsidera ang ‘quo warranto petition’ vs. ABS-CBN

- Advertisement -

Umapela si Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez kay Solicitor General Jose Calida na irekonsidera nito ang paghahain ng quo warranto petition para kwestiyonin ang validity ng prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon kay Rodriguez, kung itutuloy ito ni Calida ay makikita lamang ito bilang pang ha-harrass ng gobyerno sa naturang istasyon at pagsikil sa ‘press freedom’ na paglabag naman sa konstitusyon.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang naturang plano ng Solicitor General na bunsod na rin aniya ng ilang pronouncement ng Pangulo laban sa istasyon.

Nakatakdang mag expire ang prangkisa ng ABS–CBN sa Marso samantalang naka pending ang panukalang franchise renewal nito sa Kongreso.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -