28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Robredo tiniyak na hindi nagtatapos ang laban nya kontra droga

- Advertisement -

Tiniyak ni Vice President Leni Robredo na hindi nagtatapos ang laban nya kontra droga sa pagkakasibak nya sa Inter Agency Committte on Anti Illegal drugs (ICAD).

Sa katunayan, sinabi ni Robredo na nagsisimula pa lamang sya.

Ayon kay Robredo, hindi nya hiningi ang posisyon sa ICAD pero pag upo pa lamang nya ay nagsimula na ang mga atake sa kanya.

Sinabi ni Robredo na agad syang nagtrabaho matapos nyang tanggapin ang alok na trabaho ng pangulo.

Sa katunayan, sa mga susunod na araw, sinabi ni Robredo na magbibigay sya ng ulat sa taongbayan tungkol sa mga natuklasan nya tungkol sa giyera kontra sa droga at kung ano ang kanyang mga rekomendasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -