32.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Robredo ikinaalarma ang ulat hinggil sa 70,000 estudyanteng hirap magbasa sa Bicol Region

- Advertisement -

Labis na ikinaaalarma ni Vice President Leni Robredo ang ulat na nasa 70,000 mag-aaral sa Bicol Region ang hirap sa pagbabasa.

Ayon kay Robredo, hindi dapat maging ‘defensive’ ang pamahalaan, kundi dapat aniyang akuin ang problema para masolusyunan ito.

Una rito, lumabas sa report ng Department of Education (DepEd) na nasa kabuuang 76 na mag-aaral sa Bicol mula grade one hanggang Senior Highschool ang hirap sa pag-babasa.

Bagamat aminado si Robredo na dapat itong aksyunan ng DepEd sa lalong madaling panahon, iginiit pa rin ng Pangalawang Pangulo na hindi pa lamang ang DepEd ang dapat na sumalo ng sisi sa naturang sitwasyon.

Aniya, isa sa maituturing dahilan sa nabanggit na problema ay ang kahirapan na posibleng nagko-contribute sa problema lalo na’t mataas ang poverty incidence sa nabanggit na rehiyon.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Robredo na nakatakda siyang makipagpulong kay DepEd Regional Dir. Gilbert Sadsad, at Education Usec. Dads San Antonio upang talakayin ang mga maaring solusyon at istratehiya ng DepEd upang matugunan ang nabanggit na suliranin.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -