Rep. Francisco Datos nanumpa bilang kinatawan ng Senior Citizens Partylist

Rep. Francisco Datos nanumpa bilang kinatawan ng Senior Citizens Partylist

by Powered by DWIZ
10 views

Nanumpa na bilang kinatawan ng Senior Citizens Partylist sa Kongreso si Representative Francisco Datos Jr.

Itoy matapos matanggap na ng pamunuan ng Kamara ang ‘certificate of proclamation’ na nagmula sa Commission on Elections.

Matatandaan na nagpetisyon na sa Comelec ang Kamara na bigyan na ng ‘certificate of proclamation’ ang mga partylist na nakakuha ng sapat na boto para maupo sa Kongreso tulad ng Senior Citizen at Duterte Youth.

Hindi agad nabigyan ng COP ang senior citizen dahil nagkaruon ng kaguluhan sa loob ng kanilang organisasyon kung sino talaga ang nominado nila bilang kinatawan.

0 comment

Related Posts