30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Rehabilitasyon sa nasunog na bahagi ng LRT-2 aabutin ng 3 buwan — LRTA

- Advertisement -

Posibleng mapadali ang rehabilitasyon sa nasunog na bahagi ng LRT line 2.

Ayon sa pamunuan ng Light Rail Transit Authority o LRTA, posibleng abutin lamang ng tatlong buwan ang rehabilitasyon sa mga napinsalang rectifier ng LRT.

Paliwanag ng LRTA, batay sa kanilang inspeksyon, hindi na kailangan pang abutin ng siyam na buwan ang rehabilitasyon dahil hindi naman buong power rectifier ang kailangang palitan kundi mga bahagi lamang nito.

Matatandaang, una nang nilinaw ng LRTA na hindi arson ang dahilan ng pagkakaroon ng sunog sa LRT-2 kundi dahil sa lightning strike o pagtama ng kidlat sa bahagi ng power rectifier ng tren.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -