32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Refund sa sobrang singil sa kuryente tiniyak ng Meralco

- Advertisement -

Tiniyak ng Meralco sa kongreso na kanilang ibabalik sa mga consumers ang sobrang singil sa bill ng kuryente ngayong buwan ng Mayo.

Ayon kay Vice President and Meralco Corporate Business Group Head Victor Genuino, ang mga nakapagbayad na ng Meralco bill ngayong buwan ay maaari na nilang ma-refund ng buo ang sobra sa singil sa alinmang Meralco business center.

Aniya, maari rin naman itong i-credit bilang bawas sa singil sa kuryente sa susunod na billing sa Hunyo.

Samantala, pinapayuhan naman ng Meralco ang mga hindi pa nakakapagbayad ng kanilang bill ngayong Mayo na intayin na lamang ang susunod na billing statement kung saan makikita na ang actual rate at electric consumption.

Sa ngayon nasa 65% pa lamang ang naisasagawang meter reading ng Meralco para sa buwan ng Mayo.

Matatandaan namang pinutakte ang Meralco ng reklamo dahil sa biglaang pagtaas ng electricity rate bills sa kasagsagan ng community quarantine.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -