Home Headlines Rebooking ng mga OFW bibigyang prayoridad—OWWA

Rebooking ng mga OFW bibigyang prayoridad—OWWA

0

Bibigyang prayoridad ng Philippine Airlines ang rebooking ng mga OFW na naapektuhan sa pagsadsad ng Xiamen Airlines sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay Administrator Leo Hans Cacdac ng Overseas Workers Welfare Administration, nakipag-ugnayan na sila sa PAL para maisaayos ang rebooking ng mga OFW na hindi nakaalis dahil sa pagsasara ng main runway ng NAIA.

Sinabi ni Cacdac na may mga OFW naman na sinundo ng kanilang recruitment agency upang tulungan sa rebooking.

Nakahanda rin aniya ang OWWA at ang PAL na magbigay ng certification sa mga OFW na masisita ng kanilang employers kung bakit hindi sila nakarating sa tamang panahon.

“Ang ginawa natin diyan ay nagkalap tayo ng listahan ng mga expiring visa, around 25 of them are in that list, so uunahin sila , ‘yun ang commitment ng PAL, we gave the list over to the PAL and they will facilitate ‘yung rebooking nung mga nasa listahan, actually hindi lang expiring visas pero those needed to be back right away kumbaga hinihintay na sila ng mga employer nila so kasama rin sila sa listahan.” Pahayag ni Cacdac

—-

 

 

 

Rebooking ng mga OFW bibigyang prayoridad—OWWA was last modified: August 20th, 2018 by Len Aguirre

Exit mobile version