Radio Philippines Network
National News

Rape prevention tips ng Pangasinan Police Provincial Office inalmahan ng CHR

Hindi nagustuhan ng Commission on Human Rights (CHR) ang inilabas na rape prevention tips ng Pangasinan Provincial Police.

Iminumungkahi kasi sa inilabas na infographics na iwasan ng mga kababaihan na magsuot ng mga damnit na mapang-akit, upang hindi magahasa.

Iginiit ng CHR na wala sa damit ang problema dahil ang mga rapist umano ang dapat na magbago, matuto ng tamang asal at respeto upang maiwasan ang sekswal na pang-aabuso.

Dagdag pa rito, sinabi rin ng CHR na malaya dapat ang mga kababaihan na mamili ng kanilang mga kasuotan at walang karapatan ang sinoman na mambastos at mang-abuso batay sa kasarian at kasuotan.

Maituturing anila na pagkunsinti sa kulturang panggagahasa ang pagsisi sa mga biktima dahil sa kanilang suotan.

Related posts

Robredo may panawagan ngayong Easter Sunday

Powered by DWIZ

Travel ban sa mga Chinese nat’l ‘di makatarungan —Go

Powered by DWIZ

Bagyong Hanna nakalabas na ng bansa, habagat magpapa-ulan pa rin sa bansa

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More