Quo warranto petition vs. ABS-CBN umabot na sa int’l media

Quo warranto petition vs. ABS-CBN umabot na sa int’l media

by Powered by DWIZ
39 views

Nakakuha na rin ng atensyon sa international media ang quo warranto petition laban sa ABS-CBN.

Isang oras na programa sa Al Jazeera English ang tumutok sa isyu kung saan nagharap sina dating presidential spokesman Harry Roque, UP journalism Professor Danilo Arao at political analyst Richard Heydarian.

Nagtalo sina Roque at Arao sa isyu kung ang Pangulong Rodrigo Duterte ba ang nasa likod ng quo warranto petiton laban sa ABS-CBN.

Ayon kay Roque, naniniwala sya na hindi magtatagumpay ang quo warranto dahil maituturing itong prior restraint na paglabag sa press freedom na ginagarantiyahan ng konstitusyon.

Pero ayon kay Arao, maaaring protektado sa papel ang freedom of speech subalit hindi sa kung sino ang kumokontrol ngayon sa Korte Suprema.

Inihalimbawa ni Arao ang mga pagtatangka ng gobyerno na i-kontrol ang media tulad ng ginawa nilang pangha-harass kay Maria Ressa ng Rappler.

0 comment

Related Posts